Tiniyak ni Senator Miriam Defensor-Santiago na handa siyang sumabak sa kampanya sa kanyang pagkandidato sa pagkapangulo sa 2016, matapos siyang gumaling sa cancer.

Iginiit ng beteranong mambabatas na maganda na ang estado ng kanyang pangangatawan at kaya na niyang sumabak sa presidential campaign.

“I’m in the stage that is the result of very advanced cancer medication. People are not aware of it and I’m glad that I have been given an opportunity to make people know that the situation has changed completely,” pahayag ni Santiago matapos ang kanyang talumpati sa Fourth Technical and Vocational Educational Training (TVET) Congress sa Taguig City.

Matatandaang na-diagnose ang senadora na mayroong Stage 4 lung cancer subalit matapos ang ilang buwang gamutan at sapat na pahinga ay nakabawi na ito mula sa nakamamatay na sakit.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Subalit tumanggi si Santiago na ilabas ang kanyang medical record, base sa kahilingan ng isang doktor, upang mapatunayan na maayos na ang kanyang kalusugan.

Sinabi ni Santiago na malaking tulong ang modernong agham sa pagkakaroon ng anti-cancer pill na kanyang naging susi sa matagumpay na pakikibaka sa cancer.

“In effect, nobody dies from cancer anymore. Every month there are a dozen of new medications. The only problem with these new medicines is that they are very, very expensive,” ayon sa senador. 

“So as long as my contributors will be able to help me survive, I’ll be able to finish the campaign and even win it,” dagdag niya.

Naghain ng certificate of candidacy (CoC) si Santiago bilang independent candidate sa ilalim ng People’s Reform Party, at nagpahayag na rin ng kanyang suporta kay Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na tatakbo sa pagkabise-presidente sa 2016. (Hannah L. Torregoza)