Kinastigo ng Department of Justice (DoJ) ang matataas na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) matapos na ipaaresto at ipakulong ang isang Korean trader na may nakabimbing apela sa DoJ.

Kasabay nito, ipinag-utos ni DoJ Secretary Alfredo Benjamin Caguioa ang pagpapalaya sa Korean na si Kang Tae Sik, 71, pangulo ng Jinro Phils..

Binalaan din ni Caguioa ang mga opisyal ng BI laban sa paglabag sa doktrina ng batas na nagsasaad na, “A Warrant of Deportation shall only be prepared and issued by the Commissioner upon finality of a deportation order, judgment or resolution.”

“Considering that an Appeal is presently pending with this Office, the BoC Resolutions ordering the deportation of Mr. Kang Tae Sik have not become final and executory and hence, a Warrant of Deportation should not have been issued,” ayon pa kay Caguioa. 

National

PBBM admin, nagsisilbing ‘totoong kalamidad’ sa ‘Pinas – Maza

Dahil sa nangyari, nangangamoy ngayon ang balasahan sa mga opisyal ng BI.

Sa pahayag naman ni Atty. Elaine Tan, tagapagsalita ni BI Commissioner Siegfred Mison, sinabi niyang legal ang pag-iisyu ng Warrant of Deportation (WoD), pag-aresto at pagkulong kay Kang.

Sinabi naman ni Atty. Redentor S. Viaje, abogado ni Kang, na na-misread ng BI ang sariling rules nito upang mabigyang rason lang ang kanilang aksiyon. (Mary Ann Santiago)