NAGPAHAYAG si Richard Gomez sa interview sa kanya sa Tonight With Boy Abunda last Wednesday na napakalaking desisyon sa kanyang buhay ang pagtakbo niya para mayor ng Ormoc City sa 2016 elections.

“It was a big decision for me,” sabi ni Richard. “Kasi ang ganda ng takbo ng career ko. This year, last year, and next year will be a better career for me as an actor.”

Sabi pa ni Goma, sa panahon ng kampanyahan ay bawal na sa gaya niyang celebrity ang mapanood sa isang programa at sa commercials. Kauumpisa pa lamang ipalabas ang You’re My Home na muli nilang pinagtatambalan ni Dawn Zulueta, kaya siguradong hanggang one season lang ang itatagal nito sa ere. 

‘Yun nga lang, kung ang katumbas ng pagpaparaya niya sa showbiz ay makapaglilingkod naman siya sa mga mamamayan ng Leyte, partikular na sa Ormoc City, haharapin niya ang challenge ng pagiging public servant. Nais ni Goma na paunlarin ang nasabing lungsod kapag naging mayor siya nito.

Tsika at Intriga

Paskong-pasko! Denise Julia may pasabog na 'screenshots' sa isyu ni BJ Pascual

“Ang daming trabaho na mawawala but there is so much to do in Ormoc City. Ang ganda ng lugar namin doon. And ang laki ng potential niya to improve, para mapaganda, para mapasikat ‘yung lugar and if that government will continue, walang mangyayari sa kanya.

“Kung gusto mong tumulong as a regular person, yes you can. Pero kung talagang gusto mong tumulong sa maraming tao, you really have to be in politics. Bakit? Kasi you can make use of the government’s resources.”

Kung suportado siya ng halos lahat ng kanyang showbiz friends sa paparating na laban, ibinahagi ni Goma dating kontra ang kanyang anak na si Juliana.

“Juliana’s 15 now. And if I win in next year’s elections, I will be there for three years and I will not be with Juliana every day. And that’s a big sacrifice. Juliana talked to me, sabi niya, ‘Dad, sana ‘wag ka na lang tumakbo.’

And I was quiet for a while kasi I understand na kailangan niya ‘yung time, but I made her understand. And tinanggap naman niya,” masayang pahayag ni Goma. (ADOR SALUTA)