Ipasasara ng Quezon City Council ang alinmang computer shop sa lungsod na makikitang may mga estudyante sa oras ng klase.

Binigyang diin ni majority leader Councilor Bong Suntay ang Ordinance No. 2163 series of 2012, na nagsasaad na ang mga mag-aaral, lalo na sa elementarya, ay pinapayagan lamang sa mga Internet shop mula 4 p.m. hanggang 11 p.m. para gumawa ng mga takdang aralin at school project.

Muling ipinaalala ng konseho ang naturang batas dahil sa reklamo ng mga magulang na ang kanilang mga anak ay hindi na pumapasok sa paaralan at sa halip ay nagtutungo sa mga computer shop at naglalaro lamang. Bukod dito ay napapasok din ng mga bata ang mga porn at bayolenteng website. (Jun Fabon)

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji