Sa kabila ng apela ng gobyerno sa mga militanteng grupo na iwasan ang pagsasagawa ng demonstrasyon sa Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit, sinabi ng isang grupo ng mga manggagawa na magpapatuloy ang kanilang kilos-protesta sa susunod na linggo.

Subalit tiniyak ni Kilusang Mayo Uno (KMU) Chairman Elmer Labog na pananatiliin ng kanilang grupo ang maayos at mapayapang kilos-protesta.

“We vow to make the voices of the Filipino workers and people heard during the APEC Summit. We vow to continue with our protests against this anti-worker, anti-Filipino, anti-environment and pro-big capitalist economic formation,” ayon kay Labog.

Ito ang inihayag ng KMU matapos magbabala ang Department of Interior and Local Government (DILG) na mahigpit nitong ipatutupad ang “no permit, no rally” policy bilang bahagi ng seguridad na ilalatag ng gobyerno para sa mga delegado ng APEC meeting.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“We reject the Aquino government’s plan of imposing Martial Law to please its foreign masters who will attend and benefit from the APEC Summit,” giit ni Labog.

Binatikos din ng leader ng mga manggagawa ang pahayag ni Ambassador Marciano Paynor Jr., director general ng APEC 2015 National Organizing Council, na malaking kahihiyan lang ang idudulot ng mga kilos-protesta sa imahe ng Pilipinas.

“It’s not the protests that will embarrass the country, but the government’s repression of protestors. The world knows that the Philippines is a poor country, and economic summits like APEC are bound to attract protests,” ayon naman kay Labog.

Aniya, nakatingin sa Pilipinas ang mga manggagawa mula sa iba’t ibang panig ng mundo sa pagdaraos ng APEC Leaders Summit at ano mang hakbang na kikitil sa karapatan ng mga raliyista na magsasagawa ng demonstrasyon ay ikagagalit lang ng mga mamamayan mula sa ibang bansa. (Samuel P. Medenilla)