VATICAN CITY (AP) — Sinabi ng Vatican noong Miyerkules na isinailalim nito sa imbestigasyon ang dalawang Italian journalist sa pagsisiyasat sa mga nakalabas na dokumento na nagbubunyag ng pagsasayang, pagkaganid, at maling pamamahala sa pinakamataas na antas ng Simbahang Katoliko.
Ang mga mamamahayag na sina Gianluigi Nuzzi at Emiliano Fittipaldi ay nagsulat ng dalawang pasabog na libro na nagdedetalye sa mabigat na hamong kinakaharap ni Pope Francis para ireporma ang Vatican bureaucracy.
Ang kanilang mga libro, inilabas noong nakaraag linggo, ay ibinatay sa mga ipinuslit na dokumento mula sa isang reform commission na binuo ni Francis para pamahalaan ang pananalapi ng Vatican at magpanukala ng mga reporma upang mapunta ang pera sa kawanggawa.