rousey photo_jpeg copy

Malakas ang paniniwala ni dating title contender Miesha Tate na mananatili kay UFC superstar Ronda Rousey ang kanyang bantamweight belt sa pagdepensa nito sa kanyang titulo laban sa malakas nitong kalaban na si Holly Holm sa Nobyembre 14.

Gagawa si Rousey ng kanyang ikapitong depensa para sa women’s championship, at ayon kay Tate, maglalaro muli si Rousey ng katulad ng mga dati niyang istilo.

“If I had to pick, I’m definitely going with the champion,” sabi ni Tate sa MMA Fighting.com.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

“It’s nothing against (Holm),” paglilinaw ni Tate. “I just don’t think it’s a good style match-up. I really don’t.”

Si Holm ay dating kampeon sa boksing na bumaling sa MMA noong 2011, at may rekord na 9-0 panalo-talo. Lumaban na ito ng dalawang beses sa UFC bago pa man naigawad ang shot laban kay Rousey.

Sinabi pa ni Tate na hindi siya naniniwala na mapipigil ni Holm si Ronda sa loob ng 25-minuto, at maigugupo niya ito kahit na gumalaw pa ito ng todo.

“She (Holm) is going to have to run a lot, which means the champion is coming forward,” dagdag pa ni Tate. “And in order to become the champion, you have to beat the champion.”

Sinasabing si Holm ay underdog kumpara kay Rousey, na ang huling tatlong laro ay tinapos lamang nito sa loob ng 64 segundo, kabilang na rito ang 14segundong pagsuko ni Cat Zingano sa UFC 184 at ang makasaysayang34segundong knockout ni Bethe Correia sa UFC 190.

Sa rekord na naitala, si Tate pa rin ang nananatili sa puwesto na nakipaglaban kay Rousey na tumagal nang mahigit sa isang round. Nagawa ni Holm ng hanggang third round bago nito kalampagin ang armbar nang maglaban silang dalawa sa UFC 168 noong Disyembre 2013. (AbsCbn Sports)