shaina, please crop copy

NALAMAN namin sa kapatid ni Shaina Magdayao na si Vina Morales na nasa Italy at sumama ang una sa isang holy pilgrimage. 

Nakakakonsensiya naman na yata ang sinasabi palang dahilan ng tampuhan ng magkasintahang Matteo at Sarah Geronimo ay mas inuuna pala ang spiritual growth. 

Kaysa naman daw magpa-party at makipag-inuman kasama ang mga kaibigan para sa kaarawan, mas pinili ni Shaina na mas bigyan ng importansiya ang kanyang buhay kristiyano. Kasama na rin daw dito ang pamamasyal ng aktres sa Italy.

KILALANIN: Bikolanang kakanta ng pambansang awit sa SONA 2024

Sey pa ni Vina, parang birthday gift na rin daw iyon ni Shaina sa sarili.

Charity escapades at religious tour ang pinuntahan ni Shaina, at isa sa mga unang pinuntahan ng grupo nito ang simbahan ni Padre Pio sa Italy. 

May mga larawan pa nga si Shaina sa mga pinupuntahan na ipinopost naman ni Vina sa Instagram.

Ipinagmamalaki ni Vina na ang pagiging devotee ni Padre Pio na ng kanyang nakababatang kapatid. Kaya nga raw nang may nagyaya para sa naturang holy pilgrimage at sinabing partikular na pupuntahan ang simbahan ni Padre Pio ay agad na pumayag si Shaina. 

“I know she’s enjoying now kung saan she is also celebrating her birthday with sisters and doing charity work in Italy. Matagal na rin niya gustong gawin ‘yan and finally sa mismong birthday niya, eh, andun siya,” sey ni Vina. 

Tuwang-tuwa si Vina para sa kanyang younger sister at umaasa siyang mawala na ang kung anu-anong pang-iintriga dahil unfair kay Shaina. (JIMI ESCALA)