Ipinagbawal ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) ang paggamit at pagbebenta ng shabu sa lugar ng Bangsamoro.

Sa bisa ng isang-pahinang resolusyon ng MILF Central Committee, hinimok nito ang mamamayan na iwasan o tigilan ang pagbebenta at paggamit ng shabu, o methamphetamine hydrochloride.

Nagbanta ang MILF na magpapataw ng parusa sa mga gagamit at magbebenta ng shabu.

“Effective immediately, the MILF will take appropriate action to any person, Bangsamoro or non-Bangsamoro, found guilty of using shabu and those found beyond reasonable doubt of drug pushing or being engaged in the sale and proliferation of shabu,” anang Moro Front.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Gayunman, hindi tinukoy ng grupo kung anong uri ng “appropriate action” ang ipatutupad nito laban sa mga lalabag sa resolusyon.

Kaugnay nito, inatasan ng policy-making body ng MILF ang chief-of-staff ng Bangsamoro Islamic Armed Forces (BIAF) nito na si Sammy Al-Mansoor upang ipatupad ang resolusyon “without any exemption”.

Nakapaskil sa Luwaran.com ang nasabing pahayag ng MILF, na isinulat sa diyalektong Maguindanaon.

“The MILF wants to inform individuals and the masses that from the residents of sitio, barangay, municipality, to province in Central Mindanao that anyone selling, buying, and using shabu that from now on they must stop doing it,” saad pa sa resolusyon ng MILF na may petsang Oktubre 21, 2015.

Ang isa sa mga dahilang tinukoy ng “Umpungan” (organisasyon) ay ang napaulat na dumadaming krimen na may kaugnayan sa ilegal na droga, at pagiging talamak ng shabu sa rehiyon. (Edd K. Usman)