Gilas-3 copy

Gilas Pilipinas, desididong ma-qualify sa 2016 Olympics.

Aambisyunin ng Gilas Pilipinas na “abutin ang araw at buwan” na katumbas ng hangad nilang ma-qualify sa 2016 Olympic Qualifying Tournament kaya inaasahang pipiliin na ang pinakamahuhusay na manlalaro ng basketball para maging kinatawan ng Pilipinas.

Labimpitong manlalaro ang pinili upang mabuo sa pool at pipiliin ang final 12 na isasabak sa huling qualifying tournament.

Human-Interest

Pambato ng Pilipinas sa research competition sa Taiwan, waging first place

Nangunguna sa listahan ang reigning back- to- back MVP na si Junemar Fajardo, LA Tenorio, Greg Slaughter, Marcio Lassiter, Japeth Aguilar, Jeff Chan, Ryan Reyes, Paul Lee, Terrence Romeo, Marc Pingris, Calvin Abueva, Jayson Castro, Gabe Norwood, Matt Rosser, Ranidel de Ocampo at Troy Rosario.

Nitong nakalipas na Lunes ay nagsimula ng mag-ensayo ang pool sa ilalim na pamumuno ni national coach Tab Baldwin kung saan si De Ocampo ang hindi nakadalo dahil nagpagaling pa sa kanyang tinamong injury.

“Ito na ang pinakamalakas at competitive na koponan na nabuo para sa national national squad,” pahayag ni Tenorio.

“Mas malalaki kami ngayon,” wika naman ni Pingris . “At saka may mga kasama na kaming mga bata like Terrence (Romeo).”

Ngunit batid ni Pingris na hindi sapat ang talentong taglay ng team upang maisakatuparan ang kanilang misyon.

“Mas magiging magaan ng konti ang trabaho ni Coach Tab pero depende pa rin sa aming ipapakita at kung paano namin maibibigay ‘yung 100% namin,” dagdag pa ni Pingris.“Hindi lang puro talent. Kailangan din naming ibigay yung 100% na puso sa aming gagawin.”

Ilan sa mga makakatunggali ng Gilas ang mga itinuturing na world’s best teams gaya ng France, Serbia at Greece.

Gayunman, naniniwala ang mga manlalaro na ito na ang pinakamagandang pagkakataon upang makipagsapalaran para sa pagkakataong makasabak sa Olympics lalo pa’t posible nilang makabalikat sa kampanya ang naturalized Filipino na si Andray Blatche at Los Angeles Lakers guard Jordan Clarkson.

“It’s not over so as of now, we still have a big chance to compete because it hasn’t started yet and I think this is our best chance to compete against the world because coach Tab knows what he’s doing and his vast international experience is a big factor,” ani Tenorio. (MARIVIC AWITAN)