Kinatigan ni Rep. Estrellita B. Suansing (1st District, Nueva Ecija) ang mungkahi ng Commission on Elections (Comelec) na magdaos ng presidential debate.

Hiniling niya na pagtibayin ang kanyang House Bill 5269 naglalayong lumikha ng Presidential Debate Commission na mag-oobliga sa mga kandidato sa pagka-pangulo at pangalawang pangulo na lumahok sa mga debate upang magabayan ang mga botante sa tamang pagpili ng iboboto.

Ang panukala ay hawak ng Committee on Government Reorganization sa pamumuno ni chairman at Rep. Romeo M. Acop (2nd District, Antipolo City). May katumbas itong panukala sa Senado, ang Senate Bill 1797, na inakda ni Sen. Miriam Defensor-Santiago.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

“I hope it will merit the approval of the 16th Congress and the President so we can already have a Presidential Debate Commission in place prior to the May elections. It’s a very timely proposal,” ani Suansing. (Bert de Guzman)