junar_jpeg copy

Umiskor ng panalo si Pinoy super featherweight Junar Adante via 1st round technical knockout (TKO) laban sa Hapones na si Hokuta Kanawa noong Sabado ng gabi sa pamosong Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.

Ito ang unang panalo sa ibayong dagat ng tubong Surigao del Sur na si Adante matapos mabigo sa 10-round unanimous decision kay Wei Qian Xian noong Mayo 8, 2015 sa Kunming China para sa WBC Asian Boxing Council featherweight title.

Muli siyang natalo sa 8-round unanimous decision sa walang talong Thai boxer na si Romnakit Technopoly Bangkok noong nakaraang Setyembre 18 sa Bangkok Thailand.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Tiniyak ni Adante na hindi na siya matatalo via hometown decision kaya pinabulagta niya sa ring si Kanawa at natapos ang laban eksaktong 31-segundo na lamang ang natitirang oras sa 1st round.

Napaganda ni Adante ang kanyang kartada sa 6-2-1 win-loss-draw na may 3 pagwawagi sa knockout at inaasahang papasok siya sa ratings ng Games and Amusement Board.