Muling nailuklok ng United Nations General Assembly (UNGA) ang Pilipinas sa UN Commission on International Trade Law (UNCITRAL).

Nitong Lunes ay nagsagawa ang UNGA ng eleksiyon upang maghalal ng 23 miyembro sa UNCITRAL na manunungkulan mula Hunyo 2016 hanggang 2022.

Binubuo ng 60 miyembro ang UNCITRAL na kakatawan sa mga geographic region sa daigdig, iba’t ibang legal na tradisyon, at antas ng paglago sa ekonomiya.

Ito ang taunang sesyon na isinasagawa nang salitan sa New York City at Vienna.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Ang ibang naluklok na miyembro sa Council ay ang Argentina, Australia, Austria, Belarus, Brazil, Chile, Czech Republic, Colombia, India, Iran, Israel, Italy, Lebanon, Pakistan, Poland, Romania, Spain, Thailand, Turkey, Spain, USA at Venezuela.

Itinataguyod ng komisyon ang mas malawak na partisipasyon sa mga international convention at pagtanggap sa mga huwaran at patas na batas.

Nagkakaloob din ito ng technical assistance sa mga proyektong pang-reporma sa batas at tumutugon sa pinaigting na pakikipagtulungan sa UN Conference in Trade and Development.

Ang mga miyembro ng komisyon ay nahalal para sa anim na taong termino, kasama ang kondisyon na ang kalahati sa mga kasapi ay magtatapos kada tatlong taon. (Bella Gamotea)