Tinalo ng Pilipinas ang pinakamagagaling na paddlers sa rehiyon matapos itong magwagi ng dalawang gintong medalya sa ginanap na Asian Dragonboat Championships sa Palembang, Indonesia.

Ang pambansang koponan sa ilalim ng Philippine Canoe Kayak Federation (PCKF) ay nagwagi sa men’s 500m at 200m event para sa maliliit na bangka upang talunin nito ang pinakamahuhusay na national teams mula Indonesia, Thailand, Chinese Taipeh, Japan, India, Hongkong, at Iran.

Nakabawi sa kanilang magandang pagpapakita ang mga Pilipinong paddlers matapos na mabigong makapag-uwi ng medalya noong nakaraang 28th Singapore Sea Games.

“Masayang-masaya kami dahil nakabawi kami mula sa SEA Games,” sabi ni PCKF national head coach Leonora Escollante para sa koponan na babalik mula Indonesia upang magbigay mismo ng courtesy call sa Philippine Sports Commission.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naorasan ang Pilipinas sa 200 meters sa kabuuang 55.520 segundo na point 320 milliseconds na mabilis kontra sa ikalawa at pumangatlo na Indonesia at Japan.

Agad naman umarangkada ang Pilipinas sa 500m upang tawirin ang finish line dalawa-minuto at 24.441 segudo namas mabilis 1.26 segundo sa World Cup Champion Chinese Taipeh at mas malayo sa pumangatlo naman na Indonesia.

(ANGIE OREDO)