Nilinaw ng pangasiwaan ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na walang paghihigpit laban sa mga mamamahayag na nagko-cover sa paliparan, bunsod ng kontrobersiya sa “tanim-bala.”

Sinabi ni Dave de Castro, tagapagsalita ng NAIA, na ipinatutupad nila ngayon ang isang mas organisado at sistematikong pagpasok at paglabas, hindi lang ng mga pasahero kundi maging ng mga naghahatid sa pasilidad.

Simula ngayong linggo, ang unang limang entrance gate sa departure area ay eksklusibong nakatalaga para sa mga pasahero, habang ang naghatid sa kanila ay gagamit ng ibang entrada sa lugar.

Oobligahin ang mga pasahero na ipakita ang kanilang mga travel document at plane ticket bago sila payagang makapasok sa alinman sa limang entrance gate.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Ang ikaapat na palapag ng NAIA Terminal 3, na roon matatagpuan ang mga shop at restaurant, ay bukas pa rin sa mga pasahero at kanilang mga kasamahan.

Naniniwala si Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Jose Angel Honrado na mababawasan na ang kalituhan sa mga pasahero at kanilang kasamahan, bunsod ng ipinatutupad na mga bagong patakaran sa paliparan.

(Ariel Fernandez)