PARIS (AFP) – Naglunsad ang France ng isang awareness campaign noong Lunes sa layuning matigil ang magagaspang na komento, panghihipo at sexual violence na kinakaharap ng kababaihan araw-araw sa mga pampublikong sasakyan.

Ikinabit ang mga poster sa mga istasyon sa buong bansa na may kunwaring mga metro stop na may mga nakasulat na komento gaya ng: “Hello Mademoiselle. You’re lovely. Let’s get to know each other. Is that short skirt for me?”

Lalong nagiging agresibo ang mga komento mula sa “You’re hot, you’re turning me on. Answer me, dirty bitch” hanggang sa “Stop - that is enough”.

Ang scenario ay isa sa ilang nakasulat sa mga poster sa bus, train at metro stations na inaasahan ng gobyerno na magtataas ng kamalayan tungkol sa sexual harassment, isang pandaigdigang problema na nagtulak ng parehong mga kampanya sa malalaking lungsod mula New York hanggang London.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

“A woman’s daily life should not look like this,” mababasa sa isang linya sa ilalim ng poster.

Pinapayuhan ang kababaihan kung paano tumugon, gaya ng paghimok sa kapwa pasahero na bumitaw ng tingin sa kanilang mga smartphone at makialam, hanggang sa pagpapaalala sa kanilang mga aggressor na ang paghawak sa kanila sa malisyosong paraan ay maaaring magsasadlak sa suspek sa limang taon sa kulungan.

“The aim is to give everyone the tools to react. To change behaviour so that no aggression is trivialised,” saad sa pahayag mula sa women’s rights ministry.

Ang kampanya, inilatag din sa social media, ay bahagi ng pagsisikap ng French government na tugunan ang problema na inilarawan sa isang official report noong Abril na “massive, violent and having significant negative impacts.”

Pinaalalahanan nito ang mga biyahero na ang pagsisipol at komento sa hitsura ng isang babae ay hindi katanggap-tanggap, habang ang mga pagbabanta, public masturbation, o pagkiskis ng sarili sa isang babae habang nasa pampublikong sasakyan ay may katumbas na mabigat na multa o pagkakakulong.