DAHIL sa maihahambing sa pagiging matibay, maasahan at hinahangaan ang mga sasakyang gawa ng Tata Motors, hindi lang para sa mga motorista sa Pilipinas, kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo, kinuha ng Indian automotive manufacturing firm ang football legend na si Lionel Messi bilang global brand ambassador ng kumpanya.

Ito ang unang pagkakataon na maglulunsad ang Tata Motors ng isang overall brand association campaign, na tinaguriang #madeofgreat, sa pamamagitan ng isang brand ambassador sa katauhan ni Messi.

Ang 28-anyos na Argentinian national team forward player ay apat na beses na pinarangalan bilang Best Player of the World.

“We are very excited to have Lionel Messi on board. He is talent galore with conviction and is an icon for today’s youth. Watching him play football is magical,” pahayag ni Mayank Pareek, pangulo ng Tata Motors-Passenger Vehicle Unit.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

Sa pamamagitan ni Messi, sinabi ni Pareek na maipamamahagi ng Tata Motors ang design value at technology na nagsisilbing inspirasyon sa buong mundo, tulad ng katauhan ng Argentinian football star.

Aniya, ang paglulunsad kay Messi bilang global brand ambassador ng Tata ay patunay na magiging mas agresibo ang automotive company sa pagpapakilala sa mga produkto nito sa iba’t ibang sulok ng mundo.

“As we look to expand our footprint across the globe, Messi’s unique ability to appeal globally, transcending geographies, makes him ideal person to represent our brand, internationally,” dagdag ni Pareek.

Malaki rin ang paniniwala ni Pareek na maging ang interes ng kabataan sa buong mundo ay mahahatak ni Messi dahil marami sa kanila ang iniidolo ang legendary striker.

Sa panig ni Messi, sinabi niyang ikinagagalak niya na maitalaga bilang global brand ambassador ng Tata Motors.

“Tata Motors is a true representation of India and a well-established brand, globally,” dagdag ng football star.

Kabilang sa mga produktong sasakyan na isusulong ni Messi ay ang Zest sub-compact sedan, Bolt diesel hatchback at GenX Nano econo-car. (ARIS R. ILAGAN)