Pinakakasuhan ng Office of the Ombudsman ang isang dating alkalde ng Bakun, Benguet at tatlong iba pang opisyal kaugnay ng maanomalyang pagbili ng halos P2-milyon halaga ng abono noong 2004.

Kabilang sa pinakakasuhan sa Sandiganbayan sina dating Bakun Mayor Bartolome Sacla, Sr.; Municipal Treasurer Manuel Bagayao; Municipal Accountant Virginia Kigisan; at Dolly Villaflor, ng Bry Cin Enterprises (BCE), ang kumpanyang pinagbilhan ng Nutro Ocean liquid Fertilizers.

Ang apat ay nahaharap sa paglabag sa Section 3(e) ng RA 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).

Sa 19 na pahinang resolusyon na inilabas ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales, natuklasan na noong 2004 ay tumanggap ang Bakun ng P1.95 milyon mula sa Department of Agriculture (DA) bilang bahagi ng Farm Inputs and Farm Implements Program (FIFIP).

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa Ombudsman, ang nasabing FIFIP ay bahagi ng ipinatutupad na programang nakapaloob sa P728-milyon fertilizer fund scam noong 2004.

Sinabi ng Ombudsman na ginamit ng nasabing bayan ang pondo upang bumili sa BCE ng 1,300 bote ng Nutro Ocean liquid fertilizers na nagkakahalaga ng P1,500 kada botelya.

Tinukoy naman ng Commission on Audit (CoA) na binayaran ang nasabing pataba noong Mayo 7, 2014, kahit Mayo 14, 2004 pa nai-deliver ang nasabing mga produkto.

“The Commission on Audit found that there was no public bidding conducted as the municipality did not create its Bids and Awards Committee; the fertilizers were grossly overpriced by as much as P1.74 million; based on COA’s market probe, suitable fertilizers were readily available at the market at much lower prices; and that the products delivered were substandard and not registered with the Fertilizer and Pesticides Authority,” anang hukuman.

Ayon pa sa hukuman, nagsabwatan ang mga akusado upang maisakatuparan ang anomalya. (ROMMEL P. TABBAD)