PSL_Philipsgold_06_Dungo copy

Mag-aagawan ang Cignal HD Spikers at Philips Gold Lady Slammers para makopo ang solong puwesto habang asam ng Foton Tornadoes ang ikalimang sunod na panalo kontra RC Cola- Air Force sa krusyal na labanan ngayong hapon sa ginaganap na 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball sa The Arena sa San Juan.

Agad magsasagupa ang Lady Slammers at dating nangungunang HD Spikers sa ganap na 4:00 ng hapon bago sundan ng inaasahang magiging mainitang salpukan sa pagitan ng Lady Tornadoes at ang napatalsik ngunit nanatili na mapanganib na Raiders sa ganap na 6:00 ng gabi.

Inaasahang magkakahiwalay ng landas ang kapwa nasa liderato na Cignal at Philips Gold sa pagtataya ng kanilang 6-2 panalo-talong kartada, habang asam naman ng Foton na mapataas pa ang sarili nitong rekord sa pangunahing liga sa kababaihan sa bansa sa paghahangad sa kabuuang ikaanim na panalo sa siyam na laro.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Nakataya na lamang ang prestihiyo sa mga koponan matapos na mapormalisa ang apat na semifinalist nang itala ng Foton ang limang set na panalo kontra Mercalo Power Spikers, 25-18, 18-25, 14-25, 25-16 at 15-8 upang makasama sa nagtatanggol na kampeong Petron Blaze Spikers, Cignal at Philips Gold.

Paglalabanan ng apat na koponan ang ookupahang puwesto na siyang magdedetermina sa maghaharap naman sa semifinals kung saan makakatapat ng magiging numero uno ang nasa ikaapat na puwesto habang magsasagupa ang ikalawa at ikatlong koponan.

Muling nagtulung-tulong ang triple-tower combination nina import Lindsay Stalzer at Katie Messing at Jaja Santiago sa paglalatag ng matinding depensa upang itulak ang Tornadoes sa nakakakaba na panalo sa ikalima at huling set tungo sa pagtatala ng 5-3 panalo-talong kartada.

“We became complacent after the first set and paid for the prize. For our next game, we should treat RC Cola as the first ranked team and never underestimate an opponent,” sabi ni Foton coach Villet Ponce-de Leon.

Namuno ang maganda ngunit matulis pumalo na si Stalzer sa itinalang 20 kills at tatlong block para sa kabuuang 24-puntos habang nagtala si Messing ng 11 kills para sa 13-puntos. Ang pinakamatangkad naman sa liga sa taas na 6-foot-5 na si Santiago ng 14-puntos.

“We still have a lot to show,” sabi nina Stalzer at Messing. “We just showed one our secret aces. We still have three more ace to show in our team,” sabi pa ni Messing na tila pinapaangat lalo ang moral ng Tornadoes.

“We’re already in the semis, but it doesn’t mean that we will relax,” sabi ni Ponce-de Leon. “It’s still a long way to go. We still have to win our last two games (against RC Cola-Air Force and Petron) to have a good standing and a better pairing in the next round. We still need a lot of hard work.”