VALLETTA (AFP) — Ang Sweden at Slovenia noong Miyerkules ang mga huling bansa na naghigpit sa kanilang mga hangganan upang maibsan ang matinding krisis sa migration kasabay ng pagbabala ng mga lider ng Africa sa kanilang EU counterpart laban sa pagtatayo ng isang “fortress” Europe.

Nangyari ito matapos magtipon ang mahigit 50 European at African leaders sa isang summit sa Malta upang bumuo ng joint strategy para tugunan ang pinakamalaking pagdagsa ng mga refugee at migrant simula noong World War II.

Ibinalik ng Sweden ang border control sa loob ng 10 araw simula Huwebes at habang nagtayo ang Slovenia ng razor wire sa hangganan nito sa Croatia.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture