Isinusulong ni ABS Partylist Rep. Catalina G. Leonen-Pizarro ang pagtataas sa travel allowance ng mga opisyal at tauhan ng gobyerno sa P2,000 mula P800. Sa House Resolution 2261, sinabi niya na responsibilidad ng pamahalaan ang magkaloob ng travel allowance sa mga pinuno at kawani nito sa pagtupad sa kanilang tungkulin.

Sa ilalim ng umiiral na Executive Order 298, ang mga opisyal at empleyado ng gobyerno ay binibigyan ng P800 travel allowance ano man ang ranggo o posisyon at saan man ang destinasyon.

Sa halagang ito, 50 porsyento ang nakalaan para sa lodging, 30 porsyento sa pagkain, at 20 porsyento sa iba pang incidental expenses. (Bert de Guzman)

Serbisyo ni Sen. Robin, hindi pa tapos sey ng misis!