PANIQUI, Tarlac - Isang rifle grenade, na pinaniniwalaang napasama sa ibinentang scrap materials, ang natagpuan sa isang junk shop sa Barangay Estacion, Paniqui, Tarlac.
Sa ulat ni PO1 Joemel Fernando, ang rifle grenade ay nakalagay sa isang container at hindi matiyak kung sino ang nagbenta nito.
Dakong 2:00 ng hapon, nag-aayos ng mga nabiling scrap materials mula sa iba’t ibang barangay si Mario Narciso, 48, ng Bgy. Estacion, nang makalkal niya ang isang sako na naglalaman ng mga metal at plastic hanggang sa matuklasan niya ang rifle grenade. (Leandro Alborote)