Isang radio reporter ang sinuntok bago pinosasan ng isang pulis sa Marikina City Police headquarters noong Martes ng umaga.

Nagtamo ng sugat at pasa si Edmar Estabillo, ng DZRH, makaraang suntukin umano ni SPO2 Manuel Layson.

Sa ulat, nagtungo si Estabillo sa istasyon ng pulisya upang mangalap ng balita dakong 9:00 ng umaga.

Hindi nagustuhan ng pulis ang pagiging arogante umano ni Estabillo nang hingin ang police blotter, na roon kumukuha ang media ng mga impormasyon sa mga nangyaring krimen. Nagkaroon ng pagtatalo hanggang suntukin ng pulis ang reporter at posasan.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nadamay din sa gulo ang driver ni Estabillo, ayon sa mamamahayag.

Iniimbestigahan ngayon ni Senior Supt. Vincent Calanoga, ng Marikina Police, ang insidente upang mabatid ang puno’t dulo ng kaguluhan sa himpilan. (Mac Cabreros)