GENEVA (AP) — Isang hindi kinilalang Chinese ang bumili ng 16.08-carat vivid pink diamond sa isang auction sa halagang 28.7 million Swiss francs ($28.5 million) kabilang na ang mga bayarin noong Martes, isang record price para sa ganitong tipo ng bato, sinabi ng Christie’s.
Ang cushion-shaped diamond, nakapatong sa singsing at napalilibutan ng dobleng hilera ng mas maliliit na white diamonds, ay ang showcase piece sa 409-lot sale ng mga alahas. Hindi kasama ang mga bayarin, ang bato unang nakilala bilang “The Pink,” ay ipinagbili sa halagang 25.5 million Swiss francs.
Kinilala lamang ni François Curiel, Christie’s president for Asia, ang buyer na isang “Chinese client who lives in Hong Kong.” Agad nitong pinangalanan ang bato na “Sweet Josephine.”