Pupuntiryahin ng Philips Gold ang ikatlong puwesto sa semifinal ng ginaganap na 2015 Philippine Superliga (PSL) Grand Prix women’s volleyball tournament sa The Arena sa San Juan, City.

Habang sinusulat ang balitang ito ay naglalaban pa ang Lady Slammers at RC Cola-Air Force makaraan ang labanan ng Foton Tornadoes kontra Meralco Power Spikers na kapwa natanggal sa Final four spot.

Makalipas ang kanilang pang-anim na panalo sa naisagawang walong laro, ang defending champion Petron Blaze Spikers at Cignal HD Spikers ay pormal nang nakapasok sa susunod na round habang naiwan naman ang Slammers, Tornadoes at Raiders sa labanan sa huling dalawang puwesto para sa semifinals.

Gayunman, malaki ang tsansa ng Philips Golds na makapasok sa semifinals dahil sa 5-2 panalo-talong baraha nito matapos na kalasin ang kuwerdas ng Meralco, 25-12, 26-24, 25-19, nitong Linggo sa Malolos Convention Center sa Bulacan.

Ayaw maging kampante ni head coach Francis Vicente kung kaya’t panay ang ensayo ng koponan.

Brandon Clarke ng Memphis, pumanaw sa edad na 29!

“We have to guard ourselves against complacency,” ayon kay Vicente, sabay sabing kinakailangan din ng RC Cola-Air Force na manalo upang hindi matanggal sa elimination. “All teams are capable of making a comeback, especially RC Cola. They know that the stakes are high and they will do everything to remain in contention. We have to be ready.”

Tama naman ito sa dahilang ang Raiders ay nasa balag ng alanganin sa kasalukuyan.

Kahit na nga tinaguriang “darkhorse” dahil sa magaling at aktibong miyembro, na si Puerto Rican national team Lynda Morales at Kansas star Sara McClinton, gayundin, ang national team mainstay na sina Rhea Dimaculangan at Maika Ortiz, ang RC Cola-Air Force ay patuloy na nangangapa sa anim nitong pagkabigo, kabilang na rito ang four-set defeat mula sa Cignal sa nauna na nilang labanan.

Ang tangi nilang panalo ay nang labanan nila ang Meralco, 25-20, 17-25, 20-25, 25-21, 15-13 sa unang round noong oktubre 15. (AbsCbn Sports)