TRECE MARTIRES, Cavite – Patuloy na dumadami ang namamatay sa dengue sa Cavite, matapos madagdag ang tatlo pa at makapagtala ng panibagong 545 kaso nitong unang linggo ng Nobyembre.

Iimbestigahan ng Sangguniang Panlalawigan ang patuloy na pagdami ng mga dinadapuan ng dengue sa lalawigan.

Ayon sa huling dengue update ng Provincial Epidemiology Surveillance Unit (PESU) kahapon, 42 na ang namamatay sa kabuuang 9,364 na na-dengue sa Cavite sa pitong distrito ng lalawigan sa nakalipas na 10 buwan at isang linggo ng taon. (Anthony Giron)
Probinsya

10 kaso ng MPOX, naitala sa South Cotabato