Ngayon ang huling araw ng pagkakampo ng mga katutubong Lumad na bahagi ng kanilang kampanyang Manilakbayan para kalampagin ang gobyerno na pakinggan ang kanilang karaingan.

Sa pamamagitan ng Save Our Schools Network at Salinlahi, hinihiling ng mga katutubo na ibasura ng Department of Education ang Memorandum Order 221 na anila’y nagbukas ng militarisasyon sa mga paaralan na yumurak sa karapatan ng mga Lumad.

Ayon sa mga grupo, gusto nilang umaksyon sa lalong madaling panahon si Education Secretary Armin Luistro upang hindi lalala ang harassment at matiyak na mapagkalooban ng edukasyon ang mga katutubo.

“Muli naming idinudulog sa gobyerno ang aming hinaing na sana’y matapos na ang aming paghihirap sa kamay ng mga militar,” pahayag ng mga Lumad.

Tsika at Intriga

Olats sa politika: Luis, nagtanong alin sa shows niya trip ibalik ng netizens

Giit nila, dapat personal na tingnan ni Luistro ang kalagayan ng mga paaralang pinasok at pinagkampuhan ng mga sundalo upang malapatan ng karampatang hakbang. (Mac Cabreros)