Sa isang forum ng mga negosyante ay ibinida ni Daang Matuwid presidentiable Mar Roxas ang isang simpleng solusyon sa traffic sa Metro Manila: ayusin ang sistema ng bus sa lungsod.

Ginamit ni Roxas ang ehemplo ng mga ibang bansa, na iisa lang ang may-ari ng mga bus na pumapasada sa lansangan.

“Kabahagi ito ng Department of Common Sense,” sabi ni Roxas.

Ang sobrang dami ng mga bus ang isa sa mga itinuturong dahilan kung bakit lumalala ang trapiko sa EDSA.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Ilang beses nang tinalakay ni Roxas ang kanyang panukalang solusyon: Bigyan ng regular na sahod ang mga bus driver para hindi sila naghahabol ng komisyon, na isa sa mga pinagmumulan ng aksidente sa lansangan.

Binanggit din ni Roxas na sa pagbubukas ng ginagawang NLEX-SLEX connector road ay mabibigyan ng ibang daanan ang mga motorista at mababawasan ang sasakyan sa EDSA at C5. (Beth Camia)