MALE, Maldives (AP) — Lalong lumalim ang political crisis sa Maldives matapos bumoto ang mga mambabatas na sibakin ang chief public prosecutor ng bansa na tumangging kasuhan ang sinibak na pangalawang pangulo ng bansa.

Limampu’t pitong mambabatas ng 85-miyembrong Parliament ang bumoto noong Martes para sibakin si Prosecutor General Muhtaz Muhzin, isang araw matapos siyang tumangging kasuhan si dating Vice President Ahmed Adeeb ng corruption, sa katwirang mahina ang kaso ng pulisya.

Si Adeeb ay nakadetine ngayon sa planong pagpatay kay President Yameen Abdul Gayoom.
Internasyonal

Xi Jinping, pabor ding mabuksan ang Strait of Hormuz!—Trump