Agad na nakipagsabayan ang mga Grandmaster ng bansa na sina Darwin Laylo at Rogelio Antonio Jr., kontra sa mga dayuhang kalaban upang kumapit sa liderato ginaganap na Philippine International Chess Championship (Open and Challenger Divisions) na matatapos sa Nobyembre 14 sa Subic, Zambales.

Tinalo nina Laylo at Antonio Jr., ang kanilang unang nakatapat noong Lunes ng hapon na kung saan 14 na iba pang Pinoy ang kasamang kalahok bago nakitabla sa kanilang ikalawang laro nitong umaga ng Martes upang makisalo sa 4th hanggang 17 place sa bitbit na kabuuang 1.5 puntos.

Agad namang kinapitan ng isa sa nagtatanggol na kampeon sa kambal na torneo na si GM Anton Demenchenko ng Russia ang tatlo kataong liderato kasama sina Narayanan Sunilduthlyna ng India at Anton Shomove ng Russia sa pagtatala ng dalawang sunod na panalo.

Iniuwi ni Laylo ang buong puntos mula kay WIM Jan Jodilyn Fronda gayundin si Torre na nakaharap si WIM Bernadette Galas habang si Antonio ay nakamit ang puntos mula kay Catherine Secopito sa unang round.

Mikee Cojuangco-Jaworski, chair ng Coordination Commission ng Brisbane 2032

Nakitabla sa ikalawang round si Laylo kay GM Boris Savchenko ng Russia habang si Antonio ay nakihati ng puntos kay GM Mikhail Mozharov ng Russia.

Matapos ang ikalawang round ay kinapitan ni Laylo ang ikapitong puwesto sa natipong 1.5 puntos habang nasa ika-12 puwesto si Antonio base sa ipinapatupad na tie-break points.

Si Torre ay nasa ika-17 naman puwesto. (ANGIE OREDO)