HIRO AT KRIS copy

IPAKIKILALA sa Little Nanay ang bagong love team nina Kris Bernal at Hiro Peralta. Si Hiro ang gaganap na tatay ng baby ni Kris na gaganap naman bilang ina na may kakapusan sa pag-iisip.

‘Katuwa ang introduction ni Kris sa bagong kapareha na, “My superman in #LittleNanay, the tatay of my baby Chiechie.”

Bagay sina Kris at Hiro, maganda silang pagmasdan at may chemistry, pero sana huwag nang piliting magkaroon ng relasyon habang tumatakbo ang primetime teleserye dahil magiging pilit at lalabas na promo.

Human-Interest

Imburnal Girl, nagbibisyo: 'Hindi naman araw-araw!'

Alam ng marami na may special someone na si Kris, si Lucio Ayala, kapwa niya Kapuso talent at nakapareha sa stage play na Noli at Fili. Mag-focus na lang sana sa magandang story at sa powerhouse cast at ‘wag nang lagyan ng love angle.

Samantala, sa November 16 na ang pilot ng Little Nanay, ang husay ni Kris bilang si Tinay na may Intellectual Disability o ID, pero nagkaanak pa rin. Ang cute ng mga eksena niyang nagkaka-crush sa karakter ni Hiro at ‘yung eksenang buntis siya at tulung-tulong na inaalagaan ng kanyang pamilya.

Napakasaya ni Kris na kasama niya si Nora Aunor sa Little Nanay at madalas siyang nagpapakuha ng litrato sa Superstar. Sabi niya sa kanyang latest post, “Kilig na kilig ako. Ilang beses ko na siya nakaeksena at nakasama pero nanginginig pa din ako.”

Maglola ang role nina Nora at Kris sa Little Nanay at siguradong gaya kay Mark Herras, nakabantay din si Nora kay Kris sa pagde-deliver nito ng dialogue at sa mga eksena niya mismo. (NITZ MIRALLES)