KRIS copy

DAHIL bachelor si Pangulong Noynoy Aquino, si Kris Aquino ang aako sa papel bilang first lady kaya siya ang magsisilbing punong abala sa pag-estima sa mga maybahay ng mga presidente ng iba’t ibang bansa na dadalo sa Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit sa Nobyembre 18-19.

“Karangalan natin ito na pupunta sila lahat dito. So mag-behave tayong lahat, please,” pakiusap ni Kris nang ipahayag niya sa programang KrisTV noong Lunes ang kanyang magiging role sa APEC leaders meeting.

Ayon sa Queen of All Media, dadalo ang lahat ng leaders ng mga bansang kasama sa 21 member-economies sa pangunguna nina US President Barrack Obama at Russian President Vladimir Putin.

Mauunang darating sa bansa ang first lady ng Chile sa Nobyembre 16 at ang iba pang galing ng South American countries. Dahil sa sobrang layo ng biyahe, maaga silang darating ng Pilipinas para hindi siyempre haggard at makapagpahinga na bago ang APEC leaders meeting.

Habang tumatagal, lalong sumasarap! Totoo bang umiinam lalo ang ‘wine’ sa katagalan?

Kuwento pa ng KrisTV host, “Tinatrabaho namin ‘yung 19 na lunch para doon sa mga first ladies, 10 lang ‘yung nag-confirm.

“Ang mga first ladies na confirmed na darating, Singapore, Indonesia, Japan, tapos Malaysia, Thailand, New Zealand, Vietnam, Hong Kong and Colombia. Type ng mga Pinoy ang Colombia na ‘yan.”

Nabanggit din na ang isa sa pinakamalaking trading partner ng Pilipinas ay ang Mexico dahil sa Pemza at umaabot sa 2.3 bilyones ang investment nila rito at bukod sa atin ay kasama rin ang Amerika sa biggest consumer ng itinayong negosyo ng Mexico. (REGGEE BONOAN)