NAKAKATUWA ang ex-couple na sina JM de Guzman at Jessy Mendiola dahil inamin nila sa kanilang sa latest posts sa Instagram (IG) na naging sakit ng ulo nila ang isa’t isa.
Naunang nag-post si JM ng picture nila ni Jessy na magkayakap at ang inilagay na caption ay, “Wanted: i miss you. :) ang paboritokongsakitsaulo. Congrats sa soap.”
Sinagot ‘yun ni Jessy ng, “Mas sakit ka sa ulo,” at sinundan ng pasasalamat sa pangko-congratulate sa kanya ni JM sa bagong soap niya sa ABS-CBN na You’re My Home.
Lumalabas sa sagutan ng posts nina JM at Jessy noong may relasyon pa sila na pareho nilang naging sakit ng ulo ang isa’t isa. Comment tuloy ng kanilang fans, maganda pala na naghiwalay sila dahil nagamot ang sakit ng ulo nila.
Mauulit ang pag-aaway nila at magkakasakitan pa, kaya mas magandang pahinga muna sila sa isa’t isa.
Sa muli naming pagbisita sa IG ni JM, deleted na ang “angpaboritokongsakitsaulo” na sa pagkasulat ni JM ay hashtag yata, pero nakalimutan ang HT sign.
Nagulat ang followers ni JM dahil may nawala o nabawas sa post niya. Hindi na sinagot ni JM ang tanong kung bakit niya dinelete ang HT, dedma na siya sa pangungulit ng fans.
May mga kinilig pa naman sa pagpo-post ni JM ng picture nila ni Jessy at marami pa rin ang naniniwalang magkakabalikan pa rin sila sa tamang panahon. (NITZ MIRALLES)