BRUSSELS, Belgium (AFP) – Nagbigay ang isang Belgian court noong Lunes ng 48 oras para itigil ang pagsusubaybay sa Internet users na walang accounts sa US social media giant o magmumulta ng hanggang 250,000 euros ($269,000) akada araw.

Ang utos ay kasunod ng kasong inihain ng isang privacy watchdog sa Belgium noong Hunyo na nagsasabing walang habas na sinusundan ng Facebook ang Internet users sa pamamagitan ng browser histories, o “cookies,” na naiiwan sa computer matapos nilang i-click ang “like” o “share” sa isang site.

Internasyonal

Femicide? Babaeng model-influencer, tinodas ng impostor na delivery man