Sugatan ang isang 15-anyos na babae matapos siyang tamaan ng ligaw na bala nang mapadaan sa grupo ng kabataan na nag-aaway sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Isinugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center (JRMMC) si Carla Flores, residente ng M. Hizon kanto ng Tecson St. sa Sta. Cruz, bunsod ng tinamong tama ng bala sa kanang braso.

Sa ulat ni PO2 Allen Andrew Mateo, ng Manila Police District-Station 3, nangyari ang insidente dakong 4:00 ng umaga sa Blumentritt Street, malapit sa panulukan ng Dimasalang Street.

Kagagaling lang umano ng biktima sa Bentelog stall, kasama ang apat na kaibigan, nang mapadaan sila sa nabanggit na lugar, na kasalukuyang nagrarambulan ang dalawang grupo ng kabataan.

Maya-maya pa, nakarinig ang grupo ni Flores ng putok ng baril at minalas itong tamaan ng ligaw na bala.

National

Focus crime rate sa bansa, bumaba ng 16% –PNP

(Mary Ann Santiago)