Nakipagpulong si Chinese Foreign Minister Wang Yi kay Pangulong Benigno Aquino III at sa kanyang Philippine counterpart bago ang summit ng mga lider ng Pacific Rim sa susunod na linggo, ang unang pagbisita sa Manila ng isang top diplomat ng China sa mga nakalipas na taon sa gitna ng umiinit na tensiyon sa isyu ng West Philippine Sea (South China Sea).

Si Wang ay isang oras na nakipagpulong noong Martes kay Foreign Secretary Albert del Rosario. Binalewala niya ang mga katanungan na isinigaw sa kanya ng mga mamamahayag sa paglabas niya ng Department of Foreign Affairs.

Sinabi ni Del Rosario na “good” ang pagpupulong ngunit nagmadaling magtungo sa presidential palace, kung saan nakipagkita si Wang kay Pangulong Aquino.

Sinabi ni Chinese Foreign Ministry spokesman Hong Lei noong Lunes na ang dalawang panig ay maghahanda para sa pagbisita ni President Xi Jingping para sa Asia Pacific Economic Cooperation leaders’ summit at tatalakayin kung paano mapabuti ang ugnayan ng dalawang bansa. (The Associated Press)

11 lugar sa bansa, nasa 44°C 'danger level' heat index ngayong Mayo 8