CAMARINES NORTE – Itinuturing na pinakamalaking tagumpay ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-Region 5 ang drug bust operation na isinagawa sa Daet, kahapon, matapos makakumpiska ng isang kilo ng shabu sa isang kilabot na drug pusher sa lugar.

Arestado si Cherrylyn Bebing Estacio, 23, ng Sta. Cruz, Maynila.

Isinagawa ang operasyon sa isang kuwarto sa Prince Lodge sa Barangay 5, Daet, ang kabisera ng lalawigan.

Si Estacio ay kilalang big-time drug supplier sa probinsiya, ayon kay Enrique Lucero, ng PDEA. (Ruel Saldico)
Probinsya

'Layas!' Mayor Kerwin Espinosa, pinapaalis mga adik sa Albuera