SI Davao City Mayor Rodrigo “Digong” Duterte, na urong-sulong, ay nagpahayag noong Linggo na baka mapilitan siyang tumakbo sa pagkapangulo alang-alang sa aping mamamayan. Sa kanyang TV program na “Gikan sa Masa, Para sa Masa”, sinabi niya ang ganito: “Hindi ko gusto ang ginagawa nilang pagtrato sa mga aping Pilipino ngayon. Sila ay inaapi at walang mahingan ng tulong.” Meron na ngayong kasama si PNoy, na kung tawagin ay Boy Sisi, sa katauhan ni Boy Urong-Sulong.

Badya ng kaibigan kong palabiro pero sarkastiko: “Aber, Mayor Digong, sakali bang tumakbo ka sa 2016 presidential election, nakasisiguro ka bang mananalo?” Sabad ni Tata Berto: “Tawagin na lang natin si Mayor Digong bilang Boy Urong-Sulong. Hindi malaman ng mga kababayan natin kung susulong siya o talagang uurong sa pagkandidato.”

Pinili ng Partido Demokratiko Pilipino-Lakas ng Bayan (PDP-Laban) bilang substitute ni presidential bet Martin Diño si Boy Urong-Sulong para ma-beat ang December 10 deadline. Si Diño ang NCR PDP-Laban Secretary General.

“If they keep letting Filipinos suffer, I might just decide to run for president,” banta ni Duterte. Aba, ituloy mo Mayor Digong, at ipakita mong ikaw ay may yagbols!

***

Ka-Faith Talks

#KaFaithTalks: Magtitiwala kahit malabo, kahit sinusubok

Naninindigan ang United States na patuloy itong magsasagawa ng freedom of navigation operations sa West Philippine Sea (South China Sea) sa kabila ng pagmamaktol ng dambuhalang China. Noong nakaraang linggo, ang US-guided missile destroyer na USS Lassen ay nagpatrulya sa territorial limits malapit sa man-made islands na itinatayo ng China sa Spratlys.

Ang naturang lugar ay malapit sa teritoryo ng Pilipinas na pilit inaangkin ng China. Sinabi ni US Defense Secretary Ash Carter sa defense forum sa Ronald Reagan Presidential Library sa California, na magpapatrulya uli ang US warships sa WPS para sa freedom-of-navigation patrol. Tameme ang China nang magdaan sa karagatan na inaangkin nila ang USS Lassen, hindi tulad ng kanilang katapangan at panduduro kapag ang mga sasakyang-dagat ng ‘Pinas ang nagtatangkang magdaan doon. Itinataboy nila ang mga ito at binobomba pa ng tubig ang mga mangingisda na nagha-hanapbuhay lang sa dagat na saklaw ng 200-nautical mile ng ating bansa.

***

Sa Nobyembre 17, magpapasya ang Senate Electoral Tribunal (SET) sa disqualification case laban kay Sen. Grace Poe. Nais ng ilang tao, kabilang sina defeated senatorial candidate at ex-Sen. Kit Tatad, na madiskuwalipika si Amazing Grace dahil hindi raw siya isang natural-born Filipino. (BERT DE GUZMAN)