MAJA copy

BONGGA ang career ni Maja Salvador ngayong taon. Bukod kasi sa acting career, sunud-sunod ang ginagawa niyang teleserye, unti-unti na rin siyang nakikilala bilang singer at concert performer.

Mabilis na nagiging platinum record ang kanyang albums at No. 1 naman sa primetime ang Ang Probinsiyano na pinagsasamahan nila nina Coco Martin at Bela Padilla. Nakakuha ng 39.4% sa national ratings sa Kantar Media ang serye nila, at sa Biyernes naman patutunayan ng dance queen na isa na siyang certified performer sa pamamagitan ng Majasty concert sa Mall of Asia Arena simula alas otso ng gabi.

Pag-uwi galing sa kanyang successful series of show sa ibang bansa kasama si Jericho Rosales, paspasan ang araw-araw na paghahanda ni Maja para sa kanyang nalalapit na concert. Gusto niyang tiyakin na maibibigay niya ang lahat para mapasaya ang lahat ng nagtiwala at bumili ng tiket.

Last July 12 ginanap ang kanyang sold-out concert sa Music Museum. Iyon ang nakitang palatandaan ng kanyang producer sa Majasty na handang-handa na sa big concert si Maja.

Human-Interest

Ingat! Mga WILD na sakit tuwing panahon ng tag-ulan

Hahataw si Maja sa latest dance hits kasama ang Hotlegs at G Force. Tiyak na lalo pang sisigla ang concert sa pagdating ng kanyang special guests na sina Paulo Avelino, Kakai Bautista, Rayver Cruz, Enchong Dee, JC de Vera, Enrique Gil at Piolo Pascual.

Available ang Majasty tickets via www.smtickets.com at sa lahat ng SM Ticket outlets. (Dindo Balares)