NAKATSIKAHAN namin nang sabay sina Nora Aunor at Bembol Roco sa set ng newest seryeng Little Nanay na airing soon sa GMA-7. Parehong itinanggi ng dalawa na nagkaroon sila ng relasyon nang gawin nila noon ang pelikulang Tatlong Taong Walang Diyos. Both said na para lang daw silang magkapatid noon at ngayon.
“Kuya ko ‘yan, eh. Sumbungan ko minsan,” sey ni La Aunor.
O, sige na nga!
Sabi pa ni Ate Guy, hindi true ‘yung nabalitaan naming tatakbo siya for senator. Basta ang suporta niya ay na kay Grace Poe. Hindi raw niya feel si Binay. Dissapointed daw siya nang lapitan niya ito para hingan ng tulong para sa isang grupo ng mga tao na tinutulungan niya.
“Pumunta pa ako sa opisina niya,” pahayag ng Superstar. “Nandoon naman ako hindi para sa sarili ko, para iyon sa isang grupo ng tao na tinutulungan natin. Hinarap naman niya ako. Sinabi ko naman ang pakay ko, para iyon sa isang foundation na tinutulungan natin. Hayun, umuwi akong luhaan.
“May ibang tao kasi, puro salita lang, walang gawa. Ramdam ko naman noong kinakausap niya ako, ang dating talaga niya ay pulitiko,” aniya pa.
Well… well lang daw, o!
Hirit ni Yours Truly sa ibang topic, sa palagay ba niya nahigitan na ng AlDub tandem o ni Maine Mendoza ang kasikatan niya nu’ng araw na para bang sinasamba na siya ng mga tao, pero ngayon ang sinasamba na raw ng mga utaw ay si Yaya Dub?
“Ba’t ako ang tinatanong mo? Diyos ko naman... malay ko ba diyan, ha-ha-ha! Saka hindi ko naman sila napapanood, eh.
Alam mo, hindi ko alam ang panahon sa ngayon. Iba naman nu’ng araw kasi. Hindi puwedeng ikumpara, ‘yun ang tamang term du’n. Kasi iba ‘yung nangyayari noon kesa sa nangyayari ngayon. Iba ‘yung mag-alaga ng mga artista noong araw, iba ang sistema ngayon,” sagot ni Ate Guy.
Kung sabagay, may point siya, ha!
Anyway, kasama nina La Aunor at Bembol sa cast ng Little Nanay sina Kris Bernal, Mark Herras, Gladys Reyes, Dexter Doria, Keempee de Leon, atbp, sa direction ni Ricky Davao. (MERCY LEJARDE)