ALBERT-MARTINEZ-AND-YEN-SANTOS copy

LAGARE sa dalawang teleserye si Albert Martinez dahil bukod sa Ang Probinsiyano ay balik-All of Me siya para palitan si JM de Guzman sa nasabing serye.

Maraming fans ni JM ang nalungkot dahil sa pagkawala ng kanyang karakter pero naiintindihan daw nila ang pinagdadaanan ng aktor at umaasang makakabalik siya sa show.

Nagtanong kami kung pansamantala bang mawawala sa Ang Probinsiyano si Albert at ang sagot sa amin ng taga-produksiyon ay, “Hindi po, segue lang si Tito Albert po.”

Kahayupan (Pets)

Asong inabandona sa paradahan ng tricycle noon, 'poging-pogi' na ngayon

Babawasan ba ang exposure niya? Kasi nga baka hindi kayanin ang araw-araw na tapings.

“Hindi rin po, kaya naman ni Tito A (lagare sa tapings) ‘yun,” sagot uli sa amin.

Bongga si Albert, dalawang beses siyang mapapanood sa serye -- isa sa hapon at isa sa gabi na parehong panalo sa ratings game.

Baka naman ito na rin ang paraan niya para makapag-move on dahil nu’ng huli namin siyang makausap ay hindi pa rin siya gaanong okay lalo na’t malapit na ang Pasko at Bagong Taon na unang beses nilang mag-aama na hindi makakasama ang asawang si Liezl Sumilang-Martinez. (Reggee Bonoan)