DAVAO CITY – Halos natitiyak na ang mga boto ni dating Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Francis Tolentino, na kandidato sa pagkasenador, sa siyudad na ito matapos siyang personal na iendorso ni Mayor Rodrigo Duterte sa 182 opisyal ng barangay sa lungsod, nitong Sabado ng gabi, sa Almendras Gym.

“Tapos na ang eleksiyon sa Davao City kasi wala namang local opposition dito,” sabi ni Duterte matapos niyang hikayatin ang mga barangay official na kopyahin ang sample ballot ng partido, at idinagdag na unahin sa listahan ng mga ibobotong senador si Tolentino.

“Kilalang-kilala ko si Tolentino dahil pareho kaming EDSA mayors pagkatapos ng rebolusyon,” ani Duterte, at inilarawan si Tolentino na disente, mahusay at masipag sa trabaho.

Idinepensa rin ng alkalde ang dating MMDA chairman sa mga bumabatikos dito kaugnay ng malaswang pagsasayaw sa isang pagtitipon ng Liberal Party kamakailan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

“This is what I don’t like with the administration… madaling maghugas-kamay at ginawang sacrificial si Tolentino upang ipakita na sila ay malinis,” sabi ni Duterte.

“Wala nga siya dun, at ‘yung pag-imbita niya sa entertainers ay kanya lamang contribution to the party, at ‘di niya alam na magsasayaw sila nang ganun,” sabi pa ng alkalde. (Jonathan A. Santes)