MASUWERTE si Sheryl Cruz dahil napansin agad ang pagbabalik recording niya ng PMPC Star Awards for Music. Tatlo ang nominasyon ng kanyang Sa Puso Ko’y Ikaw Pa Rin.

Nominado si Sheryl bilang Recording Artist of the Year, Female Pop Artist of the Year at sa Song of the Year para sa awitin niyang Mananatili.

Pero tiyak na mapasabak nang husto si Sheryl dahil mga batikang mang-aawit ang mga kalaban niya. Sa unang kategorya, makakatunggali niya sina Jamie Rivera (We Are All God’s Children/Star Music),

Kuh Ledesma (Memories/Universal Records), Pilita Corrales (Duets/Viva Records), Sarah Geronimo (Perfectly Imperfect/Viva Records), Toni Gonzaga (Celestine/Star Music) at Yeng Constantino (All About Love/Star Music).

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa Female Pop Artist of the Year category, makakalaban naman niya sina Jennylyn Mercado (Never Alone/GMA Records), Julie Anne San Jose (Deeper/GMA Records), Kim Chiu (Mr. Right/Star Music), Sarah Geronimo (Perfectly Imperfect/Viva Records), at si Toni Gonzaga (Celestine/Star Music).

Sa Song of the Year naman ay katunggali ng kanyang Mananatili single ang mga awiting Akin Ka Na Lang (Morissette Amon), Ikaw (Yeng Constantino), Mahal Ko o Mahal Ako (KZ Tandingan), Mr. Right (Kim Chiu), Pare Mahal Mo Raw Ako (Michael Pangilinan) at Simpleng Tulad Mo ni Daniel Padilla.

Ngayong ika-8 ng gabi na gaganapin sa Kia Theater (formerly New Frontier Theater) sa Araneta Center, Cubao, Quezon City ang 7th Star Awards for Music.

Hosts ng affair sina Kim Chiu at Enchong Dee na bukod sa nominado ay may inihanda ring production number.

Ang 7th PMPC Star Awards For Music ay mula sa direction ni Bert de Leon at produced ng Airtime Marketing ni Ms. Tess Celestino. Ang kabuuan ng awards night ay mapapanood sa ABS-CBN Sunday’s Best sa November 29, 2015. (JIMI ESCALA)