2-Rey-Valera copy

TRIBUTE sa dalawang OPM legendary icons. Iyan ang igagawad ng Philippine Movie Press Club (PMPC), Inc. kina Rey Valera at Ogie Alcasid bilang lifetime achievement award recipients sa 7th PMPC Star Awards for Music na gaganapin ngayong alas-8 ng gabi, sa Kia Theater, Araneta Center, Cubao, Quezon City.

Sa kanilang naging malaking kontribusyon at hindi matatawarang achievements sa daigdig ng musikang Pinoy -- through the years -- gagawaran sina Rey at Ogie ng pinakamataas na pagkilala sa gabing ito.

Si Rey ang napili ng samahan para sa Pilita Corrales Lifetime Achievement Award (singers), samantalang si Ogie naman ang awardee para sa Parangal Levi Celerio (composers, record producers).

Human-Interest

Traditional jeepney, mas maayos pa ring sakyan daw kaysa sa modern jeepney

Sino nga bang Pinoy ang hindi kumanta ng Rey Valera o Ogie Alcasid songs?

Super great hits ang Rey Valera songs like Maging Sino Ka Man, Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, Kung Kailangan Mo Ako, Pangako, Sinasamba Kita, Malayo Pa Ang Umaga, Kumusta Ka, Kung Tayo’y Magkakalayo, and the list goes on.

‘Pag sinabi namang Ogie Alcasid hits, nandiyan ang Nandito Ako, Bakit Ngayon Ka Lang, Hanggang Ngayon, Kung Mawawala Ka, Pangarap Ko Ang Ibigin Ka, Ikaw Sana, Mahal Kita Walang Iba, and the list is equally long with Valera’s.

Ang mga natatanging nilikha nilang awiting ito ay tunay na nagmarka sa kaisipan at kamalayan ng Pilipino -- saan man sa mundo. They have simply touched the lives of the Filipino audience na tunay na tumangkilik sa kanilang recording albums upang maging certified hits sa loob ng maraming taon.

Ang nakaraang lifetime achievement awardees ng PMPC Star Awards for Music (na nagsimula 7 years ago) ay ang APO Hiking Society (2009), Pilita Corrales (2010), Nora Aunor (2011), Jose Mari Chan (2012) at Freddie Aguilar (2013).

Kinalaunan, nagdesisyon ang club na in honor rin sa musical legacy ni Ms. Corrales ay ikinabit na ang kanyang pangalan sa lifetime honor na ito at ginawang Pilita Corrales Lifetime Achievement Award (highest honor for singers) -- at dito na nagwagi si Lea Salonga (2014).

Last year (2014) lamang nagdesisyon ang PMPC na bigyan ng mataas na pagkilala ang composers, arrangers, record producers, at ipinangalan ito sa Pinoy music legend na si Levi Celerio, at tinawag na Parangal Levi Celerio, isa ring lifetime achievement award. Ang first recepient nito ay si Ryan Cayabyab (2014), at si Ogie nga ang ikalawa.

Sa inyong musika, isang pagpupugay, at maraming-maraming salamat, Rey Valera and Ogie Alcasid.Congratulations to your lifetime honors! (MEL NAVARRO)