Habang naghahanda ang mga militante at iba pang grupo para sa Asia-Pacific Economic Conference (APEC) Summit, nag-isyu ang mga awtoridad ng mga panuntunan sa pagsasagawa ng mga pagtitipon at rally sa mga pampublikong lugar, sa mahalagang pulong na gagawin sa Pilipinas sa susunod na linggo.

Sinabi ni Interior and Local Government Secretary Mel Senen Sarmiento na inulit niya sa mga pulis at sa mga lokal na pamahalaan ang polisiya sa pagdaraos ng mga rally upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan at kaligtasan ng publiko sa isang-linggong Leaders Summit, na dadaluhan ng makakapangyarihang leader sa mundo.

Sa kanyang direktiba, sinabi ni Sarmiento na ang alkalde o sinumang opisyal na umaakto para rito ay maaaring aprubahan ang mga aplikasyon at magpalabas ng mga kaukulang permit to rally.

“However, permits may not be granted in cases where there is clear and convincing evidence that the public assembly will create a clear and present danger to public order, safety and convenience,” ani Sarmiento. (Aaron Recuenco)

57 kilos ng shabu na isinilid sa Chinese tea bags, nakumpiska sa pantalan sa Southern Leyte