YANGON, Myanmar (AP) — Bilang salamin ng paggalang ng maraming mamamayan kay Aung San Suu Kyi, isang babaeng nasa kanyang 70s ang nagtungo sa bahay ng opposition leader upang ihandog sa kanya ang isang ruby brooch na nakapatong sa ginto, na ikinorteng tila mapa ng Myanmar.

Sinabi ni Htay Htay Aye sa mamamahayag: “I’ve kept this brooch for more than 40 years but it’s time for her (Suu Kyi) to wear it. This is a present for her victory.”

Bumaha ang emosyon sa napipintong panalo ng opposition party ni Suu Kyi sa makasaysayang eleksyon ng sa Myanmar, kung saan ang mga pakikibaka at sakripisyo niya sa panahon ng ilang dekadang pamumuno ng militar ay nagbigay sa kanya ng umaapaw na suporta at respeto.

Internasyonal

Pinay tourist sa Taiwan, nabangga ng tren habang nagpipicture