Libu-libong pasahero ang muling naperhuwisyo matapos ang panibagong aberya sa isang tren ng Metro Rail Transit (MRT)-3, kahapon ng umaga.

Tumirik ang tren ng MRT ilang oras bago simulan ang imbestigasyon ng Senado sa umano’y palpak na operasyon ng naturang mass transit system.

Nagngitngit na naman sa galit ang mga pasahero, karamihan ay estudyante at empleyado, dahil sa pagtirik ng isang tren ng MRT dahil sa technical glitch sa bahagi ng North Avenue Station, pasado 7:00 ng umaga.

Dahil sa aberya, naantala ang ilang biyahe ng tren ng MRT na nagresulta sa napakahabang pila ng mga pasahero sa labas ng istasyon, habang itinigil naman ang pagtanggap ng mga sasakay sa Quezon Avenue southbound station, bandang 7:30 ng umaga.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Halos inabot ng kalahating oras bago dumating sa lugar ang kapalit ng nasirang tren, at tuluyang naibalik sa normal ang operasyon ng MRT.

Ang nagkaaberyang tren ay hinatak naman patungong Pasay depot, upang suriin at kumpunihin.

Kahapon, muling itinuloy ng Senado ang pag-iimbestiga sa mga usapin kaugnay ng MRT. (BELLA GAMOTEA)