Naglagay ang Bureau of Immigration (BI) ng state-of-the-art computer machines na tinawag na Mobile Interpol Network Database (MIND) device na kayang kumilala ng 50 milyong indibidwal sa buong mundo na nasa talaan ng mga may paglabag sa batas, tulad ng mga terorista at mga kriminal, bilang paghahanda sa Asia-Pacific Economic Conference (APEC) summit sa Manila sa Nobyembre 17-19, 2015.

Gamit na ngayon ito sa mga machine sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1, 2 at 3 na ipinagkaloob ng International Police (Interpol) at konektado sa lahat ng mga ahensya ng gobyerno sa pagpapatupad ng batas at kaligtasan sa pamamagitan ng pandaigdigang sistema ng security communication.

Sinabi ni BI Commissioner Siegfred Mison, ang MIND ay may “superior system” na magbibigay proteksyon sa mga hangganan ng bansa mula sa illegal entry ng mga pinaghihinalaang terorista, war criminal, drug trafficker at iba pang mapanganib na kriminal. (Mina Navarro)

Tsika at Intriga

'Magkagalit sila?' Dennis, Ruru 'di raw nagpansinan sa set ng 'Green Bones'