Inanunsiyo ni dating world champion Brandon “Bam Bam” Rios na magreretiro na siya sa boksing makaraang matalo ni Timothy Bradley via 9th round KO sa kanilang welterweight showdown nitong Sabado sa Las Vegas (Linggo sa Manila).

Si Rios, na medyo lumagpas sa weight limit noong isagawa ang weigh-in, ay umakyat ng ring na may timbang na 170 pounds at medyo mabigat ang katawan at nahirapang lumaban sa mas mabilis na si Bradley.

Si Rios ay dalawang beses sa siyam na round na bumagsak at matapos na mahawakan nito ang canvas ng dalawang beses, ang laban ay agad na tinapos.

“My body is not the same,” ang emosyunal na pag-amin ni Rios makalipas ang laban, ayon ito sa Boxing Scene. Com. “I’ve had a lot of wars, and I think it’s time to stop.”

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“So, I don’t think I will fight anymore. It’s time to retire. I went eight months without training, and then when I tried, my body didn’t react the same,” ang naging pag-amin pa ng boksingero.

Ang kanyang trainer na si Robert Garcia ay lubos naman ang suporta sa naging desisyon niRios na ipahinga na ang boxing globe.

“He was flat. Maybe, trying to make weight may have drained him,” ang pahayag ni Garcia sa hiwalay na Boxing Scene report. “But if the body’s not there, there’s nothing you can do about it.”

“I support Brandon’s decision 100 percent,” dagdag pa nito.

Si Rios ay masasabing nagkaroon ng magandang karera sa larangan ng boksing. Naging champion ito sa lightweight, nakilala sa kanyang exciting style at knockout power. Nagretiro si Rios na mayroong nakuhang 33 panalo at 24 dito ay pawang knockout at tatlong talo at isang tabla. (Abs Cbn Sports)