Nanawagan kahapon ang Malacañang sa mga kritiko nito na mainam na bisitahin na lang ang Official Gazette na www.gov.ph sa halip na batikusin ang gobyerno sa usapin ng rehabilitasyon ng mga lugar na nasalanta ng bagyong ‘Yolanda’ dalawang taon na ang nakalilipas.

Ayon kay Presidential Spokesman Edwin Lacierda, sa halip na ngumawa nang ngumawa at batikusin ang pamahalaan, tingnan na lang sa nasabing website ang lahat ng mga proyektong inilunsad ng gobyerno kaugnay ng rehabilitasyon para sa nasalanta ng pinakamapinsalang bagyo sa kasaysayan ng bansa.

Sinabi ni Lacierda na kinikilala nila na may mga kritikong ang nagsasabing mabagal ang rehabilitasyon sa Yolanda areas, pero ikinatwiran na sadyang malaki ang pinsalang naidulot ng bagyo kaya natatagalan ang rehabilitasyon.

Gayunman, tiniyak ni Lacierda na patuloy namang ginagampanan ng gobyerno ang trabaho nito.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

“Lahat po ng mga nagawa, at patuloy pa ring pagtulong sa ating mga kababayan at sa mga komunidad na naapektuhan po ng Typhoon Yolanda ay makikita po sa website,” sabi ni Lacierda. (Beth Camia)